Watch! Lasing na Brgy. Captain, Nambugbog ng Grade 9 dahil Tinawag siyang Kagawad! Pinasubo pa ang dulo ng baril!

Kalunos-lunos ang sinapit ng 16-anyos na grade 9 student matapos siyang bugbugin umano ng lasing na Brgy. Chairman na si Felipe TJ Falcon Jr ng Brgy. 350 sa Maynila. Ayon sa ulat, napagkamalan daw ng biktima na isang kagawad si Kapitan Falcon kaya ito binugbog. Nakisali din daw sa pambubogbog ang mga alipores (kagawad at tanod) ni Kapitan Falcon noong tinangka dumepensa ng binatilyo sa pananakit ng punong barangay.
Loading...
“Hindi daw siya (Brgy. Captain Falcon) nakilala, para nabastusan sa kanya. Pero noong humingi na siya ng despensa, hindi pa rin siya pinalabas, inumpisahan na siyang banatan sa loob ng barangay hall. Pinalo ng cellphone sa mukha, sinampal ng dalawang beses, tapos paluin ng matigas na dry seal sa panga, atsaka brass knuckle. Pinasubo din ang dulo ng baril,” sabi ni Ranero Gelizon, ama ng biktima.
Inulan ng batikos at tuligsa ngayon ang ginawang pang-aabuso ni Brgy. Chairman Falcon.
Loading...