Manyak sa Miss Earth, binunyag ni Miss Guam

Pinangalanan ni Miss Earth Guam Emma Sheedy ang umano’y nang-sexual harass sa mga kandidata sa kasagsagan ng pre-pageant activity ng beauty contest.
Sa Instagram post ni Sheedy, isang sponsor din umano ang nagpakita ng motibo sa kanya, kasunod ng paglantad nina Miss Canada at Miss England sa ginawang pangha-harass ng nasabing lalaki sa kanila sa Manila Yacht Club.
Loading...
Pinangalan na ni Miss Guam ang sponsor na sinabing isang Amado S. Cruz, ang lalaking nangmanyak sa kanilang mga Miss Earth candidate.
“The sponsor who’s name is Amado S. Cruz became a problem for many of the delegates, including myself. To focus on ONLY myself, I was pulled aside multiple times to be invited to Boracay, private islands and into his house and insisted that I and “the latino women dance for him,” saad sa caption ni Sheedy.
Kanya ring ipinost ang larawan ng nasabing lalaki sa kanyang Instagram story.

Pinatahimik rin umano siya ni Cruz tungkol sa insidente kung saan hinawakan nito ang kanyang likuran na exposed dahil sa suot na costume.
“Amado S. Cruz grabbed my bare backside at the National Costume Competition where I was able to push him away, but he consistently told me not to tell anyone about any of the instances.”
Kanila rin aniyang kinausap si Lorraine Schuck, ang Vice President of Miss Earth, para hindi na makasali sa mga aktibidades si Cruz, ngunit namataan pa rin itong paligid-ligid hanggang sa coronation night.

Source: Abante
Loading...